Wednesday, September 30, 2009
Monday, September 28, 2009
Ondoy can't touch me :))
September 25, Friday
8AM - Arrived at school and met up with fafa Franz. Yes! Nakuha ko na yung debut pictures from him! :) Tas breakfast at Mcdo with Chat and Auntie :D (dapat maghanda na and magstore na ng energy!!)
8:30-1PM Org (Lasallian Aide) - Jam-packed ng seminars wee! Conflict Management by Atsi Annie, Basic Leadership Theories by Ahia Karl, and Strategic Leadership by Ate Lea...Ayun, fun siya! tas interactive din :) Dapat hindi makalimutan mag-clap! hahaha kundi bawas points :P After mag-snacks, na-late kami nila Shane and Chat... -10 points sa team wah!
LSA Apprentices + EB :)
Conflict Management - Atsi Annie
Basic Leadership Theories - Ahia Karl
Strategic Leadership - Ate Lea
1-4PM Make-up class (HISTCIV) - Naglalaro lang kami ni Chat nito.. dugtungan ng kanta.. :)) Tas nagpa-games si miss.. buti na lang ka-group ko si Enzo, kaya panalo kami! +10 sa quiz on Tuesday! :D After nun film showing, kaya nagpower nap muna ako! :))
5PM Katipunan - Sabay kami ni Leland na pumunta ng Cavite so yun, na-uto nya ako na pumunta sa Katips :p So meet muna kami ni Klar, bonding bonding :D Wawa bebe, maysakit :( Kala ko malakas ka na!! hehe pagaling ka bebe! :)
with Klar. she's still pretty kahit na may sakit! :)
sige lang klar :)) di naman nakaka-binat to :P
6-10PM (di na ako sure sa time nito :P) Punta na ng cavite!!
I would like to call this part "My Adventures with Leland" haha!! fFom Katips, nag-gateway tas farmers kami, nagwithdraw ang loko, manlilibre daw :)) and gusto nya din magpa-late. So SM Makati muna to buy food na dadalhin sa house nila Har. First time ko mamili ng sobrang tagal. Why? Wala eh, nagsama ang dalawang tao na hindi marunong mag-decide :)) Mga 7:30 na kami natapos bumili (i think) Tas cookies, pringles and chocolates lang nabili namin. Tsk tsk. Bumili na din ng dinner sa Jolibee tas naglakad lakad na para maka-hanap ng taxi.. Ayaw yata kami pauwiin, kasi kahit san kami magpunta, mahaba ang pila for the taxi, MRT was not an option kasi yung pila din dun nakaka-stress sobra! kaya yun, lakad lakad pa rin tas nakahanap na kami. Mahal yun for sure, pero go lang, libre naman ng loko :P
Ayun, nung nasa taxi na, dun na nag-dinner si Leland. Nakihingi na lang ako kasi wala talaga akong pera. :)) Akala ko makakapag-power nap ako nito kaso hindi talaga eh, kaya nag-catch up muna kami ni Leland :) Tas nung nakarating na kami ng cavite, nakakawindang ang bill, 250 lang yung nakalagay sa metro pero double kasi yun kapag provincial.. kaya yun. At nung kumatok kami sa house nila har, walang tao!! Kamusta ka naman. Namili pa sila ng stuff sa SM Molino (supposed to be meet up place, pero since late kami, sa house na kami ni har dumerecho). Nung dumating na sila...*insert reminiscing music here* reunion na with my elementary friends!! :D :D :D
with Leland, while waiting for the others :)
10-6:30AM Walang Tulugan!!
9 kami sa house ni Har :) (ako, har, leland, aya, gene, sarah, jinky, cora tas yung "bestfriend" ni aya :P) newfound friends sina jinky and cora! :D
Ayun, ultimate POPOL talaga! may cake, ice cream (na super laki), sobrang daming packs ng chips, chocolates, pizza, softdrinks and booze! (wee hindi ko ginalaw yun :D) Super catching up with my friends talaga. Nung 1st year ata yung huli kong kita sa kanila?? (except si har, leland and gene) Nag-uno muna kami.. haha sobrang hirap kasi 2 sets na stacks yung pinagpatong.. San ka pa?? Then first time ko din mag-pusoy dos.. haha nung una tulungan kami ni sarah..panalo! Tas nung ako na lang.. loser na talaga :)) Nagpakita din ng card tricks si leland.. yung first, win pa eh, nung sumunod na, fail na :)) hahahah! NagPhotobooth session din kami :)) fun fun! :D
FOOD galore :))
the Birthday Celebrant -- Harriette Gasacao! :)
Uno. Ang taas :))
si Leland yung laging nakakasira. :P
sabaw much :P
Tas nagmovie marathon na. nanood kami ng Enchanted, oo na loser ako first time ko kasi to napanood :)) Anlameeg! Agawan kami sa kumot. Pati sa kutchon :)) Tas anime marathon naman. Ouran High Host Club :) Medyo spoiler ako nun :)) Tinry ko talaga matulog, kaso di talaga eh. pikit lang :)) Pagkabangon ko, marami pang gising, and madami pang food and sabaw na yung ice cream (wala kasing ref sila har, di ko lam kung san napunta :P) Wala nang liguan yung iba since malapit lang naman sila kina har, ako naligo ako kahit sobrang lamig ng tubig. O_O
Movie time!! :))
Before leaving the house: dry pa kami nyan :P
Medyo pinagsisisihan ko nung una kasi i wore pants na super nipis, kaya nung paglabas namin ng house ni har, malakas yung ulan plus super hangin pa, kaya naging polka dots yung pants ko. Grabe lang stress yung palabas ng village. Dapat di na pala ako naligo kasi nabasa din ako (eww.) kaya yun. Ang lamig pa sa bus, kaya hindi din ako nakatulog dun. Inupakan namin yung cookies ni leland, since di pa kami nagbreakfast. Lumagpas kami ng mrt taft, sa magallanes na kami bumaba. (stress.) Ang hirap magcommute since wala pa akong tulog.
September 26, Saturday
8AM-11:30PM Century Park Hotel
Di ko alam kung pano pumunta ng Century, plus P25 na lang money ko :)) so pakapalan na lang talaga ng mukha :)) Sumabay ako nun kina Chat, sakto kasi papunta na din siya dun. Sa south gate ako naghintay. Take note: tuyong tuyo pa dun, wala pang baha. :P Pagkadating namin sa Century, gutom na gutom na pala yung mga co-apprentices namin. :)) Buti binigay sakin ni Leland yung cookies, yun na yung breakfast nila :P Tas dumating si Shane!! Ang dami dami dami nyang dalang siomai!!! Weeee loveit. Nahyper ako!! :D
with co-apprentices! :P late si Shane :)
with my bebes! :D
Bale ang dami dami naming nasa room. kaming mga apprentice: ako, shane, chat, ana, JM, TJ and gio tas yung mga EB: atsi annie, atsi danna, ahia daryl, ahia mark, ahia karl and ahia carlos.
First task: May pattern na bubuoin with the pentagram (tama ba yung name??).. Di ako magaling dun kaya...wala akong natulong kay JM and Shane :P
Second task: Binigyan kami ng 220 per team, tas gamitin namin yun para i-entertain ang mga EB :P So yun, hindi namin nagamit yun but instead ginamit namin yung gadgets namin to make a movie clip, 1 hour preparation lang kaya sabaw :)) Since nasa hotel kami, cinderella-ish ang theme ng clip namin :) Here's the vid:
(note: yung last part ng clip, live performance na, sa loob ng hotel room namin :P) Nice Hate Late Team :))
Ang cool din ng presentation nila Chat! Live performance tas may lesson thingy pa. Thumbs up to Love Late Team! :P
After the second task, dapat pupunta na kami ng DLSU. Dun na kasi yung final task namin. Pero pagka-check out namin (mga noontime na yata) and all, walang taxi na gustong dumaan ng La Salle. Hanggang bewang na daw yung baha. (exagge much? pero totoo nga!) Willing yung mga pedicab drivers na ihatid kami dun pero kami lang yung hindi willing. :P After an hour or so, humina na yung ulan. Nakakuha na ng taxi, kaso isang batch lang yung nakabalik ng taft. (Anna, Atsi Annie, Ahia Mark and Chat) Kaya tambay muna sa cafe sa loob ng Century.
Ang bait ng manager dun! I'll never forget her name. Si Mrs. Evelyn Ong. Very accommodating! May 2 coupons kami for free drinks, pero binigyan nya kami ng 8 free hot chocolate drinks! May refill pa tas may cookies pa kami and cake! :D Bonding time to with orgmates. Pero medyo nakakatulog na ako kasi alam nyo na..wala pa akong tulog. Sorry guys! Pero kahit papano may naaabsorb pa naman ako dun sa kwentuhan.. :))
Stranded, but in a good way! :P
Cake! lovelove! :)
At around 4pm yata, ginising ako at si Shane ni mrs. manager. Sarap kasi ng tulog namin. Pinapasok kami sa buffet area ng hotel tas dun kami pinatulog. Bait talaga! :D At around 5pm, nag-check in ulit kami. (mahal sa Century but where else can we go??) Ayun. Nakakakuha na rin kami ng balita na na-stranded yung mga friends namin sa La Salle. Binaha na din sila hanggang sa loob. :(
Bumili sila Kuya Carlos ng food. Sobrang gutom na kami nun! Wala pa akong kanin on that day. Kaya nung dumating na yung KFC..popol agad kami ni Shane! Sa sobrang gutom namin, pati yung eggs na dapat alagaan for the Bootcamp binoil na din namin :)) (with the EB's approval, of course :P)
poor, poor eggs :P
So pagkatapos kumain, nanood na lang kami ng news. (na sobrang nakakakaba talaga.) Tapos biglang wala nang signal yung TV. Ayaw na kami panuorin :)) Kaya nanood na lang kami ng movie, Zoolander. :)) Ay nako sabaw much. Tas tinanggal ko na contact lens ko. Anlabo ng paligid. :)) Nagcrave si Shane for chips, so bumili na lang kami sa Mercury with Kuya Daryl. Bumalik na ulit yung signal ng TV kaya news na ulit. Napagod kami manood ng news kaya nag-cards na lang kami. 123 pass with a twist: ang mahuli, lalagyan ng concealer sa mukha. :P Loser ako kaya...alam nyo na. (tas bulag pa ako that time! wala akong salamin) Kuminis yung mukha ko dahil sa concealer :)) Pati si Shane, wala na ding space sa mukha. HAHA!! :))
Shane, may space pa ba?? :))
kuminis yung face ni TJ after nito eh :))
black eye much?? :))
Kuya Carlos, kamukha mo si Jolibee!! :P
haha! Ate Danna, straight line oh :P
11:30PM-3AM - Nakauwi na rin sa wakas :))
At around 11:30pm, nasundo na ako ng parents ko. 7 hours ang travel nila :)) At dahil gutom pa ako (and sila rin), kumain kami sa Bacolod Chicken Inasal. Sige lang, kain lang :)) Nakarating kami sa condo ng 2am yata, tas eto yung naabutan namin: hindi gumagana yung elevator. HAHAHAHA! 7th floor lang naman. No sweat. Nagpahinga ako sa 6th, tas may kasabay ako. Newfound friend :P So ininterview ko muna. 15th floor pa daw siya. Good luck na lang :))
Ayun, pagkadating sa condo, tulog agad. Then nagising ako ng mga 3am ata? Dumating sila Ate Ayen, Kuya Joy and Kuya Jun. Di sila makauwi ng Cainta kaya samin na muna sila nag-stay. Sandali lang ako nakipagkwentuhan kay ate kasi di na talaga kaya ng powers ko. :)) TULOGGGG. :D
Conclusion
So, ano yung point ng pagkwento ko nito sainyo? I didn't make this just for the sake of having a blogpost. I made this kasi even after all of those things that happened, I'm safe. My loved ones are safe. You see, I could've been stranded with the other students in La Salle, but I ended up staying in Century, which is safer and more comfortable. If I went with the others who took the taxi ride, then I would have been stuck sa taft, which is not good because I haven't got any sleep yet...With P25 in my wallet, who knows where I'll end up? That's why I'm really grateful to my LSA mates, especially the EBs, for taking care of us (the apprentices). I'm not regretting in joining LSA and the Bootcamp (even if I actually showed up on the 2nd day, it was all worth it).
I feel so blessed lang talaga. That's why the title of the post is "Ondoy can't touch me" because I'm protected! :D Not just by the people around me, but of course, by Him, as well. :)
Monday, September 21, 2009
Sunday, September 13, 2009
Monday, August 31, 2009
My Birthday Wishlist! :D
1. Luanne Rice books!
meron na akong: Summer Light and Follow the Stars Home... family ang theme ng books nya.. kaya I love it :) (meron sa Booksale nito, mura lang :D)
2. Supply ng G-Tech pens! (Yung .4) =)) (si mommy din gusto!)
3. Lacoste Inspiration (or pwede na rin yung mga imitation :P)
4. Laptop bag (HAHA asa naman) - laptop ko: Macbook 13" Aluminum
5. USB (nawala USB ko.. 4GB please! or larger :P)
**kakagutom :)) california maki!
6. Shopping Spree............????? ;;)
7. Cellphone for my sun sim.. (to be granted by Cynch and Bianca, I think)
8. New backpack... may hole na yung Kickers bag ko.. overused.=))
**haha syempre blue :)
9. New Havs! yung may backstrap, please! :P sira na yung Havs ko ehhhh... size 9!!!)
Pwede to sa school, kaya yan :)
10. NO FOOD PLEASE. di ko mauubos. (kuno)
11. Guitar pick!! alam nyo na kung what color..... :P
**pick talaga dapat, pero ito nahanap ko eh..
12. Wish ko pa to dati pa... Starbucks Tumbler (yung DIY, ikaw magdedesign :D)
**o diba diba?? :)
13. BLINGS! (nakita mo yung fish bling ko? parang ganun. :D)
**pic from photoshoot for our mag. suot ni chat yan :)
14. Ballers. :D
**walang blue.. but I like the green one :)
15. Electric Tuner for guitar (hehe tamad much)
**hahaha. pwede guitar lessons na din??? :D
16. IPOD TOUCH... HAHAHAHA NAGPAPARINIG BA? :)) O IPOD CLASSIC... ASA TALAGA =))
Mommy can you read this??????? :D
ETO PA PALA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Letter.... from you :D
Update ko to kung may maalala pa ako... :P
Updates:
a. Ahhh soo cuuuuuutteeeee!!!! I like this top!! Saw it from http://tresmariashop.multiply.com/photos/album/103/BLOUSES_---_New_Uploads#14#photo=14
**free size yan, kaya safe billhin, you don't have to worry if it fits me or not =))
eto trip trip lang.....
make me expensive sa FFS!!!! =))